Nakaidlip na driver, sumalpok sa center island ng CCP

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2017 01:08 PM

Nasira ang center island fence ng Cultural Center of the Philippines sa Maynila matapos itong sagasaan ng isang sports utility vehicle (SUV) nitong Lunes ng madaling araw.

Ayon kay Danilo Camayudo Jr., traffic enforcer na namamahala sa Buendia-Pasay area, nakaidilip ang nagmamaneho ng sasakyan kaya ito bumunggo sa bakod.

Tuluyang natanggal ang ilang bahagi ng bakod habang natanggal naman ang harapang bumper ng sasakyan.

Agad naareglo ang insidente matapos magbayad ang driver.

Samantala, isa namang UV express ang sumampa sa center island sa may Padre Burgos Avenue sa Maynila.

Papasok sana sa Lagusnilad ang tsuper na si Edgar Plado nang gitgitin umano siya ng isang pribadong sasakyan.

Wala naman nasaktan sa limang pasaherong sakay ni Plado.

-- Ulat nina Kristine Sabillo at Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.