Motorista, nakuhanan ng 'shabu' sa checkpoint

Mariz Laksamana, ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2017 10:09 PM

CALAMBA CITY - Arestado ang isang motorista matapos makuhanan ng hinihinalang shabu sa isang checkpoint ng mga pulis sa Calamba City Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Renato Narvaez, 49 taong gulang.

Ayon sa report, pinara ng mga pulis si Narvaez dahil wala itong suot na helmet. Hiningan rin ito ng lisensiya. Habang hinuhugot ang wallet, nahulog umano ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Nakakuha rin umano ng isa pang pakete ng hinihinalang ilegal na droga mula sa wallet ni Narvaez.

Itinanggi ni Narvaez na sa kanya ang mga nakuhang ilegal na droga.

Lumalabas sa record ng pulisya na dati nang naaresto si Narvaez sa isang buy-bust operation noong 2014.

Aminado si Narvaez na naaresto na siya, pero dagdag niya, nadamay lamang siya sa operasyon.

Dinala si Narvaez sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sumailalim sa drug test.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Motorcycle Helmet Act of 2009.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.