P6.9-M na shabu, nasamsam sa Albay

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2017 11:24 AM | Updated as of Dec 03 2017 11:55 AM

Makikita sa larawang ito ang mga plastic bag ng shabu na narekober sa Albay. PDEA-Bicol

LEGAZPI, Albay - Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa P6.9 milyon ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation dito, Sabado ng gabi.

Nakuha ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit 1 kilo ng droga mula kina Ismael "Opaw" Onsad at Angelu Ariraya sa Barangay Oro Site.

Kabilang ang 2 sa umano'y 3 pangunahing supplier ng bawal na gamot sa Albay, ayon sa PDEA.

Mugshot nina Onsad at Ariraya. PDEA-Bicol

Itinuturing ng ahensya na malaking dagok sa kalakaran ng droga ang kanilang pagkaka-aresto. - Ulat ni Karren Canon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.