Mga sundalo at umano'y rebeldeng NPA nagkasagupa sa Abra

ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2017 03:35 PM

Nagpang-abot ang tropa ng pamahalaan at grupo ng hinihinalang New People’s Army sa Sallapadan sa lalawigan ng Abra, Sabado ng umaga.

Naka-engkuwentro ng isang grupo ng mga sundalo mula sa 24th Infantry Batallion ng 7th Infantry Division ang 'di pa malamang bilang ng mga rebeldeng NPA umano sa Sitio Mabungtot, Barangay Ud-udiao.

Tumagal ang palitan ng putok ng may 15 minuto hanggang sa umatras ang mga rebelde.

Wala namang nasugatan o nasawi sa panig ng mga sundalo habang inaalam pa kung may nalagas sa grupo ng mga rebelde.

Patuloy na nagsasagawa ng operasyon ang mga sundalo laban sa mga rebelde na naghahanap umano ng pagkain sa lugar.

Kamakailan ay sunod-sunod ang mga engkuwentro sa gitna ng mga tropa ng gobyerno at mga rebelde matapos ipatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pang-kapayapaan. Ito'y bunsod ng patuloy na pag-atake ng mga rebelde sa kabila ng peace talks.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.