Konsehal patay sa pamamaril ng hinihinalang NPA

Danielle Rebollos, ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2017 02:28 PM

BAGGAO, Cagayan - Patay sa pamamaril ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang municipal councilor dito sa bayan Sabado ng umaga. 

Ayon kay Chief Insp. Emil Pajarillo, galing sa bukid si Angelo Luis at nagpapahinga sa kubo. 

Nakita niya na may papalapit na mga taong naka-camouflage at nang mapansin na hindi sila mga sundalo, agad siyang tumakbo sa kaniyang bahay sa Barangay Awallan pero bigla na lang siyang pinagbabaril. 

Nagtamo ng tama ng bala sa iba't-ibang bahagi ng katawan ang biktima. 

Narekober naman sa lugar ang mga basyo ng M14 at M16, gayundin ang mga flier na nanghihikayat na sumali sa Henry Command ng NPA. 

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng pagpaslang.

Kamakailan ay may sunod-sunod na insidente kung saan sangkot ang mga rebeldeng komunista matapos ipatigil ng pamahalaan ang usapang pang-kapayapaan dahil sa patuloy nilang pag-atake. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.