SAPUL SA CCTV: Van bumangga sa isang trak, lalaki patay

Grace Alba, ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2016 05:54 AM

MARCOS, ILOCOS NORTE - Patay ang 37-taong gulang na drug surrenderrer matapos maaksidente ang sinasakyan nitong L300 van Martes ng gabi sa national highway sa Barangay Valdez, Marcos, Ilocos Norte.

Nakilala ang biktima na si Eric Esposo, residente ng nasabing barangay.

Makikita sa CCTV footage ang isang elf truck na dahan-dahang huminto at pumarada sa gilid ng kalsada. 

Matapos ang ilang segundo, paparating ang mabilis na L300 van at biglang bumangga sa likuran ng elf truck.

Sa lakas ng impact, naitulak paharap at bumangga sa gate ng isang bahay. 

Wasak ang harapan ng van.

Agad itinakbo sa ospital ang driver ng van na nakilalalang si Leonardo Molina na nagtamo ng malalalim na sugat sa katawan at mukha. 

Idineklara naman na dead on arrival si Esposo na nakaupo sa tabi ng driver dahil sa sugat sa ulo.

Ligtas naman ang driver ng elf truck na si Rommel Taylan pero sasampahan pa rin ito ng kasong reckless imprudence resulting in physical injury and damage to property lalo na't wala itong driver's license.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.