#WalangPasok: Lunes, Disyembre 4

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2017 05:41 PM | Updated as of Dec 02 2017 11:26 AM

Kasunod ng anunsiyo na magdaraos ng malawakang tigil-pasada o transport strike ang grupo ng jeepney drivers sa susunod na linggo, nagdeklara na walang pasok sa sumusunod na lugar sa Lunes, Disyembre 4:

Lahat ng antas

Muling magkakasa ng malawakang tigil-pasada ang grupong Piston sa Disyembre 4 at 5 o sa Lunes at Martes bilang tugon sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na simula Enero, hahatakin na ang mga lumang jeepney na patuloy na papasada.

Sinabi ng Piston na kasama nito sa panawagan kontra jeepney modernization program ang "No to Jeepney Phaseout" coalition na suportado rin ng Kilusang Mayo Uno, Gabriela, at iba pang grupo.

Response team ng LTFRB, ihahanda

Nauna nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi nila irerekomenda ang pagsususpinde ng klase sa Lunes at Martes. 

Ani LTFRB spokesperson Aileen Lizada, kaya na ng kanilang joint quick response team na serbisyuhan ang mga maaapektuhang pasahero. 

"Ready na at kasado na yung mga government vehicles na [magbibigay ng] libreng sakay. Yun ang uunahin. At yung pangalawa yung private buses...Ready na rin po yung Soluboa (Southern Luzon Bus Operators' Association) at mga provincial buses to render services," ani Lizada.
 
Tututukan din umano ng LTFRB ang mga lugar kung saan madalas ma-harass ang mga jeepney driver na ayaw sumali sa strike.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.