9 anyos patay matapos mabundol ng SUV sa Cabanatuan

Noriel Padiernos, ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2017 04:51 PM

Patay ang isang 9 anyos na lalaki matapos mabundol ng isang SUV sa Barangay Sangitan West, Cabanatuan City nitong Biyernes.

Sa kuha ng isang CCTV footage, tinatahak ng mag-amang Gian Dizon, 31, at Khris Dizon ang Del Pilar Street nang banggain ng isang Toyota Innova.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kuha ng Barangay Sangitan West

Ayon sa ina ng bata, galing ang mag-ama sa isang handaan at pauwi na sana.

"Galing sila sa Victoria mansion naki-birthday, eh nakainom kaya nagpawala muna ng lasing asawa ko kaya alas dos na sila umuwi," ani Karen.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang bata.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang ama na nagtamo ng mga sugat at pilay sa iba't ibang parte ng katawan. Nanawagan naman ang ina ng bata sa nakabundol sa kanyang anak.

"Sana sumuko ka sana makonsensya ka buhay ng bata yung kinuha mo sa amin," ani Karen.

Sumangguni sa Cabanatuan City Police kung may impormasyon patungkol sa driver ng naturang sasakyan.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.