Robredo, binatikos ang mungkahing 'RevGov'

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Nov 30 2017 11:14 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sinabi ni Vice President Leni Robredo na "pagyurak sa Konstitusyon" ang pagdedeklara ng isang revolutionary government.

"Nakakabahala kasi kapag sinabi mong revolutionary government, gusto mong isantabi 'yung Konstitusyon," ani Robredo matapos ang selebrasyon ng ika-154 na kaarawan ni Andres Bonifacio sa Caloocan, Huwebes.

"Alarming 'yun kasi parang gusto mong mag-alsa sa pamahalaan na isa ka sa mga kinatawan. Parang very ironic 'yung ganoong sitwasyon," dagdag ng bise presidente.

Ayon kay Robredo, maaaring hindi nauunawaan ng ilang sumusuporta sa ideya ng revolutionary government ang tunay na ibig sabihin ng "rev gov."

Giit ni Robredo, may mga balita rin na ang ibang opisyal ng barangay ay pinangakuang gagawing officer-in-charge sa ilang lugar kung pipirma at susuportahan ang pagtataguyod ng revolutionary government.

Sabi ni Robredo, pinanghahawakan niya ang mga naunang salita ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magdedeklara ng martial law sa buong bansa maging ng revolutionary government.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.