5 mangingisdang nawawala sa Scarborough, ligtas na

Dennis Datu, DZMM

Posted at Nov 29 2016 10:27 AM

MANILA - Nailigtas na ang limang mangingisdang iniulat na nawala simula pa noong Lunes sa karagatang malapit sa Scarborough Shoal, na pinag-aagawan ng Pilipinas at Tsina.

Ayon kay Philippine Coast Guard spokesman Commander Armand Balilo, nakadaong ang mga mangingisda sakay ng fishing boat na MV Antalantabat sa Barangay Lipay, Sta. Cruz sa Zambales, Martes ng madaling-araw.

Nabatid na nasiraan ng makina ang kanilang bangka kaya nagpalutang-lutang sila ng ilang araw.

Nakita sila ng isa pang fishing banca na FB Angel na humatak sa kanila pabalik sa Sta. Cruz.

Nasa maaayos namang kondisyon ang mga mangingisdang sina Jack Tabat, Jimmy Tabnat, Jessie Appareci, Bimboo Requinto at Allan River.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.