'Dr. Love' nagdiwang ng ika-20 kasama ng 100 lolo, lola

ABS-CBN News

Posted at Nov 26 2017 03:55 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Ipinagdiwang ng programang "Dr. Love" ng DZMM ang ika-20 anibersaryo nito kasama ang nasa 100 lolo at lola sa Manila Boystown Complex sa Parang, Marikina, Linggo. 

Sa pangunguna ng radio anchor na si Bro. Jun Banaag, naghatid ang programa ng libreng gupit, eye check-up, salamin at salo-salo sa mga nakatatanda. 

Namahagi rin ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya ng mga wheelchair, damit at gamot.

Layon ng Dr. Love na maiparamdam sa mga lolo at lola sa Boystown ang kalinga ng mga mahal sa buhay na malayo sa kanila, ayon kay Banaag. 

Nagpasalamat din siya sa mga patuloy na sumuporta sa Dr. Love sa loob ng 2 dekada. Ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.