Makulimlim na panahon, mararanasan sa Luzon

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2017 10:55 AM

Satellite image. PAGASA

Kung lalabas ng bahay, mainam pa rin na magdala ng payong dahil ayon sa PAGASA, makakaranas ng manakanakang pag-ulan sa Luzon ngayong Sabado at Linggo.

Ayon sa weather advisory ng PAGASA Sabado ng umaga, magiging makulimlim at makakaranas ng ulan na may pagkulog at pagkidlat sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon dahil sa isang cold front.

Inaasahan din na makakaranas ng pag-ulan at makulimlim na panahon sa Metro Manila, dagdag ng PAGASA.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na binabantayan din nila ang posibilidad na makaranas ng La Niña sa susunod na buwan.

Giit ng mga weather forecaster, kung matutuloy man ang La Niña sa bansa, mararanasan lamang ang matitinding buhos ng ulan hanggang Marso 2018.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.