Villar hinimok ang mga OFW na mag-negosyo sa bansa

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2017 04:38 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hinimok ng isang senador ang mga overseas Filipino worker (OFW) na gamitin ang kanilang mga kita upang makapagsimula ng negosyo dito sa Pilipinas.

Ayon kay Sen. Cynthia Villar, mainam na may kabuhayan pa rin ang mga OFW kapag sila'y nakauwi na matapos magtrabaho sa ibang bansa.

"Maghanap ng maliliit na negosyo para sa kanilang pamilya para ma-invest ng tama ang kanilang mga remittance," ani Villar sa pagdalo nito sa ika-7 OFW and Family Summit sa World Trade Center sa Pasay nitong Martes.

"Nang sa ganon, pag-uwi ng ating mga mahal na OFW, may hanap-buhay na 'yong kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas. Hindi na sila kailangang bumalik [sa ibang bansa] kasi may pinagkakakitaan na," dagdag pa nito.

Sa OFW and Family Summit, may mga booth ang iba't ibang ahensiya ng gobyerno gaya ng Department of Trade and Industry, Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration para sagutin ang ilang katanungan hinggil sa kapakanan ng mga OFW.

-- Ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.