Bata, dawit sa pagtangay ng pitaka ng senior citizen

ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2017 07:42 PM

Isang senior citizen sa Cagayan de Oro ang natangayan ng pitaka sa loob ng isang electric cooperative company nitong Miyerkoles. Ang perang nakuha ay pambayad sana ng koryente. 

Habang hinihintay ang kaniyang pagkakataong magbayad, tumayo saglit ang biktimang si Romulo Gonda.

Habang lumalakad si Gonda papunta sa banyo, naiwan nito sa kaniyang kinauupuan ang kaniyang itim na wallet.

Maya-maya isang bata ang lumapit na tila ba tinitiktikan ang naiwang pitaka. 

Matapos ang ilang sandali, kinuha na ng isang babae ang bata pero bitbit na rin nito ang naiwang wallet ni Gonda. 

Naipa-blotter na sa pulis ang insidente.

"Ma-consider siya na theft. Actually pag hindi sa inyo normally isinasauli mo yan, pero kung kinuha mo at may intention kang itago, theft ito," ani Police Inspector Jessie Palencia. 

Patuloy pang hinahanap ng mga awtoridad ang babae sa pamamagitan ng billing statement nito sa pagbayad ng kuryente.

Posible siyang kasuhan ng theft.

--Ulat ni Angelo Andrade, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.