ASEAN lanes nananatili sa EDSA northbound

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2017 10:31 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Nananatili pa rin ang mga ASEAN lane sa EDSA northbound, Miyerkoles ng umaga, kahit tapos na ang pulong ng mga world leader sa bansa. 
    
Ito'y dahil dadaan pa sa mga naturang lane ang mga delegadong pauwi pa lang sa kani-kanilang bansa, paliwanag ni Manny Miro, pinuno ng ASEAN 2017 Task Force Traffic Management. 

Nakatakda aniyang tanggalin ang mga orange barrier sa daan ngayong Miyerkoles, pero hindi pa tiyak kung anong oras. 

Una nang natanggal ang mga ASEAN lane sa EDSA southbound, kinumpirma ni Bong Nebrija, pinuno ng Task Force Special Operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). 

Inaasahan naman aniyang magbabalik-normal sa Huwebes ang mga venue at kalapit na lugar ng ASEAN meetings na inilagay sa lockdown. 

May ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.