2 sugatan sa salpukan ng ASEAN vehicles

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2017 11:58 AM

Dalawa ang sugatan matapos magsalpukan ang dalawang ASEAN vehicles sa Pasay City nitong Miyerkoles.

Ayon kay Emmanuel Miro, pinuno ng ASEAN Task Force Traffic Management, alas-7 ng umaga nangyari ang aksidente sa intersection ng Jalandoni at Sotto Street.

Nagtamo ng sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ang mga driver ng dalawang sasakyan.

Agad rumesponde ang mga tauahan ng Metropolitan Manila Development Authority at medical team para sa paunang lunas ng 2 sugatan.

Inaalam pa kung sino ang may kasalanan sa aksidente.

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.