14 estudyante na-ospital nang masunog ang paaralan sa Iloilo

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2017 03:40 PM | Updated as of Nov 15 2017 04:03 PM

PAVIA, Iloilo - Hindi bababa sa 14 na mag-aaral at 3 empleyado ng Pavia National High School ang isinugod sa ospital matapos masunog ang bodega ng paaralan, Miyerkoles.

Base sa inisyal na talaan ng paaralan, pinatingnan sa ospital ang kalagayan ng 14 na estudyante na nawalan ng malay, nanikip ang dibdib at nahilo dahil sa insidente.

Isang guro na buntis at 2 tauhan ng canteen ang dinala rin sa ospital upang mamonitor ang kalagayan.

Kinansela na rin ang mga klase sa paaralan.

Inaalam pa ng mga bumbero ang pinagmulan ng apoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.