2 pulis, dinukot ng mga armadong lalaki sa Surigao

Rodge Cultura, ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2017 03:30 AM

SURIGAO DEL NORTE - Dalawang pulis ang dinukot ng mga armadong lalaki sa Placer, Surigao Del Norte Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina PO2 Alfredo Degamon Jr. at PO2 John Paul Doberte na nakatalaga sa Placer Municipal Police Station.

Batay sa impormasyon ng pulisya, naka-duty ang dalawang pulis sa Barangay Bad-as nang may dumating na dalawang van. Biglang tinutukan ng mga armadong lalaki ang mga biktima.

Ayon sa mga nakakita, nagpanggap na mga taga-Criminal Investigation and Detection Group ang mga suspek.

"Akala ng mga pulis biro lang. Pagkatapos, pinadapa at tinadyakan sila," sabi ng isang residente na nakakita sa pagdukot.

Narekober ng awtoridad ang mga van sa Barangay Mabini, Placer. Hawak na rin ng pulisya ang dalawang driver na umanoy kinontrata ng hindi pa nakikilalang grupo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.