Magkakaibigan, nanakawan ng P40,000 ng mga 'tambay'

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2017 09:26 AM

MANILA - Nalimas ang nasa P40,000 mula sa isang grupo ng kabataan matapos umano silang maholdap ng 5 "tambay" sa IBP Road, Quezon City, Linggo.

Ayon sa isa sa mga biktimang si Darilyn Bonifacio, 19, galing sila sa resort at pauwi na sa Barangay Batasan sakay ng 2 tricycle nang harangin sila ng mga suspek.

Tinutukan umano sila ng baril at patalim ng mga kawatan saka kinapkapan. Natangay ng mga ito ang mga cellphone, pera, damit at alahas ng mga kabataan.

Hindi na inabutan ng mga pulis ang mga suspek sa lugar.

Hinihinala ng mga imbestigador na ang mga suspek din ang nasa likod ng iba pang insidente ng pagnanakaw sa IBP Road.

Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.