Duterte, hindi payag pag-usapan ang EJK sa ASEAN Summit

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2017 01:34 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Walang pag-uusapang isyu ng human rights at extrajudicial killings sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Iyan ang tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque, na giniit na hindi papayag si Duterte na makialam ang sinuman sa "domestic affairs" ng Pilipinas.

"It's a domestic matter, he has the right not to pursue talks related to domestic issues, non-interference dapat," ani Roque.

Sakaling ipilit ni Trump, sasabihan ani Duterte ang lider ng "lay off."

Absent sa APEC gala dinner

Sa ikalawang sunod na taon, hindi na naman dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) gala dinner si Duterte.

Si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang kumatawan sa kaniya dahil may importanteng inasikaso ang pangulo kaugnay sa ASEAN hosting.

Pero pagsapit ng Sabado ng umaga, present na si Duterte sa Leaders' Retreat kung saan sila nagkita ni Trump sa unang pagkakataon.

"Albeit short, it was very warm and very cordial," ani Roque.

Bago bumalik ng Pilipinas, may bilateral meeting pa si Duterte sa China pasado alas-7 Sabado ng gabi.—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.