69 na katao, arestado sa police operation sa Maynila

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2017 04:46 AM | Updated as of Nov 11 2017 08:59 PM

Inaresto ng Manila Police Station 9 si Arsenio Quintana, ang top 3 most wanted ng Malate police, para sa frustrated murder.

Isa siya sa mga nahuli sa simultaneous anti-crime, law-enforcement operations.

Mayo noong isang taon, sinubukan ni Quintana, alyas Buildig Rambo, na patayin ang kanyang nakatatandang kapatid matapos niyang sapakin ang asawa at anak.

Dahil may standing warrant of arrest, dadalhin siya sa korte para maimbestigahan.

Nasa 69 din ang nahuli dahil sa paglabag sa city ordinance na nagbabawal sa pag-inom sa kalye at paglabag sa curfew.

Kasama sa mga inikutang lugar ng pulis ang Leveriza, Adriatico, San Andres, at Arellano.

Tatlo sa mga nahuli ay mga menor de edad. Iimbestigahan ang mga nahuli at posibleng makulong ng 6 hanggang 12 araw.

Ginawa daw ng pulis ito bilang paghahanda sa ASEAN summit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.