Tangkang pamamaril sa city jail, naudlot

ABS-CBN News

Posted at Nov 10 2017 02:45 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi inaasahan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na gaganti ng putok ang mga bantay ng Talisay City Jail na pinaulanan nila ng bala Biyernes ng madaling araw.

Kasalukuyang nagpapagamot ngayon sina Troy Briones, 19, at isang alyas Arjune na nasugatan matapos na paputukan din sila ng personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). 

Ayon sa awtoridad, magka-ankas sa motorsiklo ang dalawang suspek at nagpaputok nang matapat sa city jail sa Barangay Maghaway dakong alas-2 ng madaling araw.

Mabilis na tumalilis ang mga ito nang masugatan.

Binabantayan na ngayon ng awtoridad ang dalawang suspek na kapwang nagpapagamot sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City.

Narekober ng awtoridad mula sa suspek ang KG9 na baril na ginamit ng mga suspek. Ulat nina Rhea Soco at Junrey Nadela, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.