Magkaibigan, arestado sa pagnanakaw ng lotion

ABS-CBN News

Posted at Nov 10 2017 08:46 AM

Arestado ang 2 na magkaibigan matapos maaktuhan umanong nagnanakaw ng lotion sa isang supermarket sa Las Piñas, Huwebes.

Kinilala ang mga 47-anyos na mga suspek na sina Noel Viado at Paulita Palustre.

Ayon sa security guard na si Jennifer Avaceña, napansin niya ang kahina-hinalang pagkuha ni Palustre ng 10 malalaking bote ng lotion na nagkakahalaga ng P309 kada piraso.

Minanmanan ng scurity guard ang suspek hanggang sa makita niya itong inaabot ang mga bote ng lotion kay Viado.

Inilagay umano ni Viado ang mga bote sa loob ng kanyang pantalon na may mga tagong bulsa.

Tuluyan ng inaresto ang 2 ng makita si Viado na hirap na hirap maglakad palabas ng supermarket dahil sa bigat ng kanyang pantalon.

Ayon sa mga pulis, sinabi ng mga suspek na ninakaw nila ang mga lotion dahil sa kahirapan.

Nahaharap sina Viado at Palustre sa kasong theft at shoplifting.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.