Lalaki patay sa pamamaril sa Tondo

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2017 10:19 AM

MAYNILA - Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Delpan, Tondo, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Abdul Patak Cabugatan, 23, tindero ng mga speaker at accessories sa Quiapo.

Sa kuha ng CCTV ng Barangay 32, makikitang kasama sa habulan ng ilang lalaki ang biktima.

Sa gitna ng habulan, madadapa ang biktima at aabutan ng dalawang armadong lalaki, na mabilis nakatakas.

Tadtad ng tama ng bala ang katawan ng biktima. Hindi bababa sa 6 na basyo ang nakuha ng mga awtoridad sa crime scene.

Palaisipan naman sa pamilya ang pagkakapatay sa binata gayung wala naman anila itong kaaway at hindi gumagamit ng droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.