Drayber patay sa pamamaril sa Batangas

Albert Lumbera, ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2017 04:05 PM

Patay si Felixberto Agojo matapos barilin sa ulo ng mga hindi pa nakikilalang salarin. Photo courtesy of Batangas police


BATANGAS CITY- Patay ang isang drayber ng traysikel matapos itong barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Kinilala ang biktima na si Felixberto Agojo, 46, at isang dating overseas worker sa Taiwan. Namatay si Agojo matapos barilin sa Barangay Poblacion, San Nicolas sa Batangas nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa pulisya, sumakay umano sa traysikel ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang 2 basyo ng kalibre 45 na baril na ginamit sa pagpatay kay Agojo.

“Wala naman siyang iba ah according sa family. Wala naman ibang nakaaway itong si Felixberto at kagagaling lang niya sa Taiwan so mga imbestigador ay nagdi-dig pa deeply dito sa pag-iimbestiga at profiling nitong victim natin,” ani Police Senior Insp. Hazel Luma-ang.

Hindi pa sinasabi ng pulisya ang anggulong nakikita nila na posibleng dahilan ng pagpatay kay Agojo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.