3 hinihinalang miyembro ng gun-for-hire, arestado sa Danao City

Edgar Escalante, ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2017 01:25 AM

Nakumpiska sa tatlong suspek ang ilang baril at improvised explosive devices. Edgar Escalante, ABS-CBN News

Arestado ang tatlong hinihinalang miyembro ng gun-for-hire group sa Danao City, Cebu nitong Miyerkoles.

Nakilala ang mga suspek bilang sina Edgar Bueno, Dennis Garbo, at Jessie Cobrado.

Nakumpiska sa kanila ang ilang baril, improvised explosive devices, bonnet, at mga larawan ng hinihinalang mga napatay nila sa kanilang pagiging gun-for-hire.

Ayon kay Chief Supt. Jose Mario Espino, hepe ng Police Regional Office-7, nag-operate ang grupo sa northern Cebu. 

May kinalaman din umano ang mga suspek sa kalakalan ng ilegal na droga sa lugar at mga insidente ng panghoholdap.

Ayon kay Espino, nalutas na ang mahigit sa limang kaso ng pagpatay sa lungsod dahil sa pagkakahuli ng tatlo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.