2 pilotong nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano, naibaba na mula Sierra Madre

Noriel Padiernos, ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2017 09:27 PM | Updated as of Nov 10 2017 12:39 AM

Buhat ng mga sundalo ng 56th Infantry Battalion at 7th Infantry Division ang estudyanteng si Alexis Trinidad. Noriel Padiernos, ABS-CBN News

Nailigtas ng mga sundalo ng 56th Infantry Battalion at 7th Infantry Division ang mga piloto ng bumagsak na eroplano sa bulubundukin ng Sierra Madre. Courtesy of 56th IB

Inilagay ng mga sundalo ang nasagip na piloto sa stretcher upang ibaba mula sa bulubundukin ng Sierra Madre. Courtesy of 56th IB

Sinagip ng mga sundalo ng 56th Infantry Battalion at 7th Infantry Division ang mga piloto ng bumagsak na eroplano sa bulubundukin ng Sierra Madre. Courtesy of 56th IB

Naibaba na nitong Huwebes ang dalawang pilotong nakaligtas sa pagbagsak ng isang Cessna plane sa bulubundukin ng Sierra Madre, Aurora nitong Martes.

Pasado ala-5 ng hapon naibaba sina Capt. Albert Galvan at estudyante nitong si Alexis Trinidad.

Watch more in iWantv or TFC.tv
Video courtesy of 56th Infantry Battalion

Nagtamo ng bali sa binti at sugat sa iba't-ibang parte ng katawan si Trinidad habang sugat sa mukha naman ang tinamo ni Galvan.

Agad silang dadalhin sa pinakamalapit na pagamutan para mabigyan ng paunang lunas upang makaiwas sa impeksyon bago iuwi sa Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang 10 a.m. Martes nang lumipad mula Lingayen airstrip ang dalawa lulan ng 2-seater Cessna plane at iikot sana sa parte ng Aurora.

Posible umanong hindi nila napansin ang mataas na parte ng bulubundukin dahil sa maulap na panahon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.