Mga buto ng tao, naitambak sa maputik na daan sa Cebu

Edgar Escalante, ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2017 10:25 AM

CEBU CITY - Inireklamo ng mga residente sa isang subdivision sa Barangay Labangon, Cebu City ang itinambak na lupa sa kanilang maputik na daan.

May kasama kasi itong mga buto ng tao at nangangamoy din.

Ayon sa mga residente, nag-request sila sa barangay na lagyan ng lupa ang maputik na daan dulot ng baha.

Ngunit nagtaka sila bakit may masangsang itong amoy.

Edgar Escalante, ABS-CBN News

Nadiskubre na lang nila na may mga buto ng tao ang itinambak na lupa. May nakuha din ang mga residente ng ilang bahagi ng nitso.

Nalaman nila na nagmula pala sa Cebu City Veterans' Memorial Park ang lupang itinambak sa kanilang daan.

Ayon sa caretaker ng sementeryo, inilipat na nila ang mga buto mula sa mga nitso bago pa isinagawa ang paghakot ng lupa sa sementeryo.

Nangako naman ang barangay na aasikasuhin ang problemang ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.