2 patay sa magkahiwalay na pamamaril sa Cebu

Edgar Escalante, ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2017 04:15 AM

CEBU - Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Tabok, Mandaue City kahapon.

Kinilala ang biktima na si Jeric Sadaya, 25-anyos, na miyembro umano ng Sadaya drug syndicate.

Ayon sa Mandaue City Police Office, posibleng may kinalaman sa iligal na droga ang dahilan sa pamamaril. 

Nakuha mula kay Sadaya ang mga pakete ng shabu, baril, at motorsiklo.

Samantala, binaril naman ang isang security guard ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Apas, Cebu City.

Pababa na sana ng kanyang motorsiklo si Jojie Pelayo, 22-anyos, nang bigla siyang tambangan.

Ayon sa ama ng biktima, nakatanggap ng banta sa kanyang buhay si Pelayo mula sa ex-boyfriend ng kanyang live-in partner.

Selos ang tinitingnang motibo sa krimen.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.