1 patay, 1 nawawala sa landslide sa Cagayan

Danielle Rebollos, ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2017 02:42 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Video courtesy of Santa Ana LGU

Patay ang isang mangingisda habang nawawala naman ang isang mag-uuling dahil sa landslide sa Santa Ana, Cagayan.

Kinilala ang nasawi na si Albert Ravelo, 46-anyos, na natabunan ng lupa habang nasa loob ng kanyang bahay.

Kasalukuyang ginagawa ang retrieval operation sa katawan ni Richard Perez, 23-anyos, na pinaniniwalaang natabunan din sa landslide.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Santa Ana, hinihinalang Lunes nangyari ang landslide sa Barangay San Vicente ngunit Martes lamang ng gabi naireport ang insidente.

Itinuturing ang dalawa na biktima sa naranasang malakas na pag-ulan dulot ng hanging amihan na pinaigting pa ng tail-end ng cold front.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.