Lalaking nanghalay umano sa inaanak noong Abril, arestado

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2017 11:07 PM

Inaresto ng Manila police ang isang lalaking nanghalay umano sa kaniyang 4 na taong gulang na inaanak sa Tondo.

Sa bisa ng isang arrest warrant, nahuli ang suspek na itinuturing pang "kumpare" ng ina at ninong ng biktima.

Noong Abril nangyari ang insidente ngunit ngayong Lunes lang nahuli ang suspek dahil noon lang inilabas ang warrant.

Kuwento ng biktima sa ina, naglalaro siya sa bangketa nang yayain ng suspek sa kanilang bahay. Dito na naganap ang panggagahasa.

Kinabukasan natuklasan ng ina ang insidente dahil sa dugong nagmantsa sa panty ng anak.

Mariin pang itinanggi ng suspek ang paratang.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.