Cessna plane bumagsak sa Aurora - CAAP

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2017 04:06 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Sugatan ang piloto at estudyante nito matapos bumagsak sa lalawigan ng Aurora ang sinasakyan nilang maliit na eroplano Martes ng tangali.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ligtas ang kalagayan ng pilotong Captain Alfred Galvan at ang estudyante niyang kasalukuyang nirereskyu ng mga awtoridad.

Paliwanag ni Elson Egargue, pinuno ng Aurora PDRRMC, sa matarik na bahagi ng bulbundukin sa Barangay San Juan, Maria Aurora bumagsak ang dalawa kaya hirap ang mga rescuer.

"Safe naman sila, kaya lang e 'yung pinagbagsakan nila e medyo matarik. Kaya medyo mahirap akyatin. Pero safe naman sila, nakausap ko na 'yung isa," sabi sa DZMM ni Egargue.

Bandang 10:00 kaninang umaga lumipad ang eroplano mula sa Lingayen airstrip bago ito bumagsak pasado alas-12:00 ng tanghali sa Aurora. 

--ulat mula kay Henry Atuelan, Jacque Manabat at Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.