5 miyembro ng pamilya, patay sa sunog

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2017 12:07 PM | Updated as of Nov 07 2017 12:54 PM

Limang kasapi ng isang pamilya ang namatay nang masunog ang kanilang bahay, Lunes ng gabi sa Agusan del Sur.

Nakilala ang mga nasawi na sina Kim Abelita, asawa nitong si Marivic na isang guro, at mga anak nilang sina Lindy, Maverick at Rhiana.

Base sa impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection, dakong alas-11 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa bahay ng mag-anak sa San Francisco.

Hindi pa matiyak ng awtoridad ang sanhi ng sunog habang patuloy ang kanilang imbestigasyon sa nangyari.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.