2 sekyu, sugatan sa hit-and-run sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2017 03:06 PM

Sugatan ang dalawang security guard matapos banggain ng taxi ang sinasakyang motorsiklo nitong Martes sa Barangay Nabitasan, Iloilo City.

Kinilala ang mga biktima bilang sina Jhonrel Magno at Jay-R Quirino, na nagtamo ng mga pasa at sugat sa iba't ibang bahagi ng kanilang mga katawan.

Nabigyan ang dalawa ng paunang lunas ng mga nakasaksi bago dumating ang mga sumaklolong medic.

Kuwento ng mga biktima, pauwi na sila galing trabaho nang mang-overtake ang nasabing taxi. 

Inamin ng mga biktima na nakainom sila ngunit nasa matinong huwisyo umano nang mangyari ang insidente.

Sinisi rin ng mga biktima ang kakulangan ng poste ng ilaw sa kalye at madulas na kalsada.

Hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng nakabanggaang taxi driver.

--Ulat ni Zeny Quilantang, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.