Pinsan ng Maute bros, 8 pang 'stragglers', patay ng militar

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2017 07:24 PM | Updated as of Nov 06 2017 08:12 PM

Napatay ng militar ang siyam pang "stragglers" ng teroristang grupong Maute, kabilang ang pinsan ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute, nitong Linggo, Nobyembre 5.

Ito'y bahagi ng clearing operations na isinasagawa ng tropa ng pamahalaan sa main battle area sa Marawi upang sugpuin ang mga natitirang tagasuporta at miyembro ng Maute.

Kabilang sa mga napatay ay si Ibrahim Maute alias Abu Jamil, pinsan nina Omar at Abdullah Maute.

Iginiit ng militar na patuloy silang magmamasid para sa iba pang stragglers sa main battle area.

Nagbabala ang militar na ipinagbabawal sa publiko ang pagpasok sa main battle area dahil sa panganib na dulot ng mga straggler.

Oktubre 23 nang matuldukan ang limang buwang bakbakan sa pagitan ng militar at mga terorista.

-- Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.