Preemptive evacuation, ipinag-utos sa ilang bahagi ng Cagayan

Harris Julio, ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2017 09:44 PM | Updated as of Nov 05 2017 10:28 PM

Ipinag-utos na ang preemptive evacuation sa probinsya ng Cagayan dahil sa banta ng pagbaha bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, nakararanas ang probinsya ng moderate to occasionally heavy rains dulot ng hanging amihan na pina-iigting pa ng tail-end ng cold front. 

Dahil dito, patuloy na tumataas ang antas ng tubig sa Cagayan River. 

Nasa 8.86 metro na ang antas ng Cagayan River sa Buntun Water Gauging Station sa Tuguegarao City alas-7 Linggo ng gabi.

Halos maabot na nito ang alarm level na 9 meters.

Wala pa naman naitatalang pagbaha sa mga kabahayan, pero ipinag-utos na ang preemptive evacuation.

Sa bayan ng Amulung, may napaulat na isang pamilya na may anim na miyembro ang umalis na sa kanilang bahay at lumipat sa bahay ng kamag-anak dahil sa banta ng pagbaha.

Binuksan na rin ang evacuation center sa Baggao at Tuguegarao City para sa mga lilikas na residente.

Umaapaw na rin ang iba pang ilog sa probinsya dahilan para masapawan ang ilang tulay.

Narito ang ilang paalala mula sa Cagayan Provincial Information Office.

www.facebook.com/PIOCagayan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.