Mga kanyon ibinida sa piyesta sa Negros

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2017 04:17 PM

ABS-CBN News

ABS-CBN News

ABS-CBN News

ABS-CBN News

ABS-CBN News

BAGO, Negros Occidental - Umalingawngaw sa mga lansangan ng bayang ito ang putukan ng mga kanyon ni ipinarada sa pagdiriwang ng ika-119 na Al Cinco de Noviembre, Linggo. 

Sinasariwa ng fiesta ang rebolusyon na pinangunahan ni Gen. Juan Araneta laban sa mga Español. Sinasabing nalinlang ang mga dayunhan sa pag-iisip na maraming armas ang mga Pilipinong rebolusyonaryo nang gumamit sila ng mga pekeng baril at kanyong gawa sa kahoy at kawayan. 

"They gave us the motivation and inspiration to gain our freedom and liberty and right now we really have to free ourselves from. Ang ating problema dito ay tinatawag nating pagbabago, it has to come from deep within us," sabi ni Bago Vice Mayor Ramon Torres. 
 
Nagsimula ang pagdiriwang ng Cinco de Noviembre ngayong taon sa pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Araneta. 

Sinundaan ito ng parada ng mga kanyon ng civic-military parade ng gobyerno at pribadong sektor. 

Nagdaos din ng programa ang mga lokal na opisyal, guro at estudyante sa Cinco de Noviembre sa katabing bayan ng Silay, kung saan pinlano ang mapayapang rebolusyon. 
 
Tampok sa programa ang performance ng Department of Education Children's Rondalla at theatrical skit naman ng senior high school students mula sa iba't ibang paaralan. 

Pagkatapos ng programa, nagmartsa ang mga nakilahok patungong public plaza para sa flag-raising ceremony. --Ulat nina Marty Go at Meneil Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.