Lalaki patay nang barilin ng nakamotorsiklong salarin sa Cebu

Charry Lane Coronel, ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2017 02:55 PM

CEBU - Patay ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Punta Princesa sa siyudad na ito, Linggo ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Ranilito Jaguros na nagtamo ng tama ng bala sa kanang tenga.

Ayon sa katrabaho nitong si "Victor," pauwi na sana sila ni Jaguros galing sa trabaho nang makarinig siya malakas na putok.

Paglingon niya sa likod, nakita na lang umano niyang nakadapa na si Jaguros na binaril na pala ng salarin. 

Dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo ang nakita ni Victor -- ang isa ay naka-helmet habang ang isa ay may hawak na baril.

Hindi na umano niya namukhaan ang bumaril dahil humarurot na palayo ang mga ito. 

Inaalam na ng pulisya kung personal ang dahilan ng pagpatay sa biktima.