Warehouse ng plastic sa Malabon nasunog

Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Posted at Nov 04 2017 10:39 AM

Sumiklab ang apoy sa isang warehouse ng plastic, Biyernes ng gabi sa Malabon City.

Ayon kay barangay kapitan Anthony Velasquez, nakarinig sila ng putok mula sa bodega sa Gabriel Subdivision sa Hulong Duhat, pasado alas-10 ng gabi bago nagsimula ang sunog. 

Walang tao sa loob ng warehouse nang mangyari ang insidente kaya wala namang nasugatan. 

Umabot sa first alarm ang sunog at agad na naapula ng mga bumbero sa loob lamang ng 30 minuto. 

Ayon sa hepe ng barangay fire volunteers na si Teddy dela Cruz, hindi kumalat ang apoy palabas ng warehouse dahil sa magkabilang firewall nito. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.