Selyo ng mga bansa sa ASEAN, tampok sa isang exhibit

ABS-CBN News

Posted at Nov 04 2017 07:22 PM

Mga halimbawa ng mga lokal na selyong naka-display sa ASEAN international stamps exhibit. ABS-CBN News

Ibinida sa isang exhibit ang mga pambihirang selyo o stamps mula sa mga bansang miyembro ng ASEAN Sabado ng umaga.

Sa pamumuno ng Philippine Coastal Corp., binuksan ang ASEAN Philatelic Exhibition Philippines sa SMX Convention Center, Pasay City.

Ayon kay Philpost assistant postmaster-general Luis Carlos, isinagawa ang exhibit bilang suporta sa darating na ASEAN Summit na gaganapin sa Clark, Pampanga.

Dagdag ni Carlos, mababatid sa exhibit ang kultura ng iba't ibang bansa sa ASEAN kahit sa pinakamaliliit na selyong naka-display.

"Makikita mo iyong culture, kasi nga si stamp nga is parang tarheta ng bawat bansa. Kahit na maliit iyan 'pag nagpadala ka sa Thailand o nagpadala ka sa Vietnam, makikita mo kung ano ang culture, kung ano ang tradition meron ang bawat bansa dahil dito sa maliliit na stamps na 'to," aniya.

Makikita rin sa mga selyo ang mga natatanging indibidwal na nagbigay ng karangalan sa Pilipinas tulad nina Manny Pacquiao, Olympic silver medalists Hidilyn Diaz at Onyok Velasco, at beauty queens tulad nina Megan Young, Gloria Diaz, Margie Moran at Pia Wurtzbach.

Mayroon ding bahagi ng exhibit kung saan makikita ang mga larawan ni Pangulong Duterte.

Karamihan sa mga tampok at makukulay na selyo ay ngayon lamang makikita ng publiko.

Hanggang Lunes maaaring bisitahin ang ASEAN international stamps exhibit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.