Lalaki sugatan sa aksidente sa Malabon

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Nov 04 2017 10:21 AM | Updated as of Nov 04 2017 10:45 AM

Nagtamo ng galos sa mukha ang isang motorcycle rider matapos sumemplang sa Malabon, hatinggabi ng Sabado.

Naka-helmet naman si Edmund Santillan nang maaksidente sa Hasa-Hasa Street sa Barangay Longos pero tumalsik ito sa lakas ng pagtama niya sa semento.

Hirap makabangon mula sa pagkakadapa si Santillan at nang makaupo na ay nagsuka.

Ayon sa nakasaksi sa insidente, mabilis umano ang takbo ni Santillan bago dumating sa hump. 

Mukha rin daw nakainom ang rider. 

Nag-positive sa alcoholic beverage test si Santillan, na dinala sa ospital matapos ang aksidente. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.