2 sugatan sa banggaan ng kotse, 2 motorsiklo

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Nov 04 2017 09:42 AM

MANILA - Sugatan ang dalawang sakay ng motorsiklo matapos silang mabangga ng isang Toyota Avanza sa may panulukan ng EDSA at Kamuning Road sa Quezon City, Sabado ng umaga. 

Ayon sa driver ng Avanza na si Christian Alunan, may iniwasan siya nang bigla umano siyang nabangga sa isang motor na may dalawang sakay. 

Sa lakas ng pagkakabangga, tumama ang motor sa isa pang motorsiklo na may sakay din na dalawang tao.

Tuluyang nabangga sa poste ng Kamuning flyover ang Avanza. 

Dinala agad sa ospital ang pasahero ng unang motor habang di naman nasaktan ang mga pasahero ng Avanza at pangalawang motor.
 
Aminado ang kasama ni Alunan sa sasakyan na inantok daw ito. Ayon naman sa isang traffic enforcer, posibleng naka-inom ang driver.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.