14-anyos na binatilyo, patay sa pamamaril sa Taguig

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Nov 04 2017 09:16 AM | Updated as of Nov 04 2017 10:43 AM

Patay ang isang 14-anyos na binatilyo matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki sa Barangay Calzada-Tipas, Taguig Biyernes.

Dalawang tama ng bala sa likod ng ulo ang ikinamatay ng biktima, na pinagbabaril mag-a-alas-10 ng gabi.

Ayon sa mga saksi, naglalakad lang ang dalawang salarin nang mangyari ang insidente.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang biktima na naglalakad kasama ang kaibigan bago ang pamamaril.

Aminado ang nanay ng biktima na nagma-marijuana ang anak, na nasa Grade 5 at pangarap sanang maging guro.

Dinala na raw ito sa drug rehabilitation center noong 9 na taong gulang pa lamang siya. Pero bumalik pa rin ito sa kaniyang bisyo matapos ang paggamot.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.