Processing plant sa Davao nasunog

Paul Palacio. ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2017 05:09 PM

Photo courtesy of Philip Tumaroy

DAVAO CITY - Nasunog ang processing plant sa Davao Bay Coconut Oil Mills Inc. sa Kilometer 14, Barangay Panacan dito Biyernes ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy pasado alas-7 ng umaga sa filter ng planta na nagpoproseso ng cooking oil.

Hindi agad pinapasok ang mga trabahador at bumbero sa planta dahil mapanganib pa umano.

Nabalot naman ng makapal na usok ang kalsada. 

Nakasuot ng face mask ang mga pulis at traffic enforcer na nagmamando ng trapiko sa lugar at inaabisuhan ang mga motorista na mag-ingat dahil sa makapal na usok.

Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang sunog.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.