Sasakyan nahulog sa daungan sa Negros Oriental

Jude Torres, ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2017 08:17 PM | Updated as of Nov 01 2017 08:54 PM

Nahulog ang pick-up truck na may lulang isang pamilya sa Sibulan Port, Negros Oriental nitong Miyerkoles. Kuha ni Zed Garett

Nahulog ang isang sasakyan sa Sibulan Port, Negros Oriental Miyerkoles ng hapon matapos matapakan umano ng driver nito ang gas pedal imbes na preno habang papasok sana sa barge na papuntang Cebu. 

Walang naiulat na sugatan sa nangyaring aksidente.

Ayon sa Sibulan Traffic Division, papasok ng barge ang saksakyan lulan ang isang pamilya nang bigla itong humarurot papunta sa dagat.

Lumabas sa inisyal na report na gas pedal ang natapakan ng driver imbes na preno kaya mabilis itong tumakbo patungo sa dagat.

May lalim na 3 feet ang parte ng dagat kung saan nahulog ang sasakyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.