Ilang biyahe sa Batangas Port, kanselado dahil sa bagyo

Mariz Laksamana, ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2017 11:29 AM

Kinansela na ang mga biyahe ng mga maliliit na bangka mula sa Batangas port patungong Occidental at Oriental Mindoro matapos itaas ang signal number 1 sa dalawang lugar dahil sa patuloy na pagragasa ng isang tropical depression, Miyerkoles ng umaga.

Isinailalim na rin sa signal number 1 ang Aklan, Antique, at ang hilagang bahagi ng Palawan kabilang na ang Calamian Group of Islands.

Ayon kay Raul Belesario, station commander ng Philippine Coastguard Batangas, pinayagan ng maglayag ang mga malalaking sasakyang pandagat patungong Calapan, ngunit hindi pa rin itinataas ang suspensyon para sa mga maliliit na motorbanca patungong Puerto Galera.

Ayon sa state weather bureau PAGASA, uusad ang bagyong Ramil patungong kanluran, malapit sa Calamian Group of Islands sa Palawan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.