20 bahay, tinupok ng apoy sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2017 04:29 PM

Natupok ng apoy ang halos 20 bahay sa Barangay Tambo sa Parañaque, Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay Senior Supt. Robert Pacis ng Bureau of Fire Protection Parañaque, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang bahay.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago nagdeklara ang mga bumbero ng fire out bandang alas-11 ng umaga.

Ayon kay Pacis, walang naitalang nasugatan o namatay dahil sa insidente.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung paano nagsimula ang sunog at ang halaga ng mga ari-arian na natupok ng apoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.