15 bahay natupok sa Marikina

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2017 02:17 AM

Nasa 15 bahay ang natupok sa Bonanza Phase 1 sa Marikina nitong Martes.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at idineklarang fire out ng mga bumbero pasado alas-8 ng gabi.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog pero tinitingnan ang posibilidad na may naiwang nakasinding kandila o elektrical ang dahilan ng apoy.

Ayon kay barangay captain Rizalina Watson Teope, inaasahang aabot sa 100 ang matutulog sa Fortune Elementary School ngayong gabi dulot ng sunog.

Nagbigay na rin ang barangay ng pagkain at mga damit sa mga nasunugan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.