1 patay, 2 kritikal sa banggaan ng motorsiklo sa Pangasinan

Juan Patricio Germono, ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2017 08:23 AM

CALASIAO, Pangasinan - Isa ang patay habang dalawa ang malubha ang kalagayan matapos magsalpukan ang 2 motorsiklo sa MacArthur Highway, Barangay San Miguel, Martes, bisperas ng Undas.

Dead on arrival ang rider na si Michael John Tuliao habang kritikal naman sa ospital ang magkaangkas na sina Jose De Vera Jr. at Merlo de Nieva.

Ayon sa mga awtoridad, harapang nagsalpukan ang dalawang motorsiklo at sa lakas ng banggaan ay tumilapon pa sa kalsada ang mga biktima. 

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nakainom si De Vera na nagmamaneho ng motorsiklong nakabanggaan ni Tuliao. Napag-alaman namang walang helmet na suot si Tuliao.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.