Policewoman, pinagbabaril sa Mandaue City

Edgar Escalante, ABS-CBN News

Posted at Oct 31 2017 11:49 PM

Edgar Escalante, ABS-CBN News

MANDAUE CITY, CEBU - Kritikal ang kondisyon ng isang policewoman matapos siyang barilin ng "riding-in-tandem" sa Basak, Mandaue City Martes ng gabi.

Pauwi na sa kanilang tirahan galing sa kanyang trabaho sa Lapu-Lapu City Public Safety Company si PO1 Mae Sasing nang sinundan siya ng apat na mga lalaki lulan ng dalawang motorsiklo.

Ayon sa mga nakasaksi, nakarinig sila ng sunod-sunod na putok at nakitang bumagsak ang biktima sa kanyang minamanehong motorsiklo. 

Humarurot papuntang bayan ng Consolacion ang mga salarin.

May malay pa si Sasing ng dalhin ng ambulansya sa ospital. 

Patuloy ngayon ang follow-up operation para sa mga salarin.

Tinitingnan pa ng mga imbestigador kung may kinalaman sa trabaho o personal ang motibo sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.